Nagbabala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ngayong darating na pasko sa muling paglilipana ng mga kawatan.

Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na dapat na at maging maingat ngayong papasok na ang panahon ng Pasko at nagiging aktibo na naman ang iba’t ibang gang.

Partikular na tinukoy ni NCRPO chief Police Director Carmelo Valmoria ang pamamayagpag ng grupong Salisi Gang, Ipit Taxi Gang, Siksik Gang, Riles Gang, Budol Budol, Condo Criminal at Solicit Gang, at Laglag Barya Gang.

Ayon kay Valmoria, pinakamainit sa mata ng mga kriminal ang nagtutungo sa mga mall at iba’t ibang pasyalan gayundin sa mga dinarayong lugar gaya ng Divisoria sa Maynila at Baclaran sa Parañaque City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tiniyak ni Valmoria na mas pag-iibayuhin nila ang kanilang security operations sa mga tinaguriang places of convergence kasama na rin dito ang iba’t ibang mga terminal.