CAMARINES SUR – Nakulong ang isang 38-anyos na lalaki dahil sa panggagahasa sa isang kalabaw, isang kambing at dalawang magkapatid na menor de edad, sa Barangay Palestina sa Pili.

Ayon kay Efren Amesola, chairman ng Bgy. Palestina, lasing si Jerry Barro, 38, at pauwi na nang magkasunod nitong gahasain ang isang kalabaw at isang kambing hanggang pasukin ang bahay ng magkapatid na babae, isang sampung taong gulang at isang 12-anyos.

Sinabi ni Amesola na ipinag-utos niya ang pagdakip sa suspek makaraang magsumbong sa pulisya ang lola ng magkapatid.

Nasa kostudiya na ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Pili ang magkapatid.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ayon sa pulisya, inamin ni Barro ang panghahalay sa dalawang hayop at sa magkapatid. - Sarah C. Imperial