Kris-Bernal_NORA-c

OPEN at hindi ipinagkakaila ni Kris Bernal na matagal na niyang crush si Dennis Trillo, kaya ang laki ng tuwa niya ng siya ang kunin para maging leading lady nito sa primetime soap nilang Hiram Na Alaala sa GMA-7. 

Dalawang buwan nang napapanood ang soap nila na dinidirehe ni Dominic Zapata, kumusta naman ang pagtatambal nila ni Dennis?

“Mas maganda na po ang working relationship namin,” sagot ni Kris.  “At nagpapasalamat ako sa mga viewers namin dahil tanggap na nila ang love team namin ni Dennis.  Hindi po naman maiiwasan na may mga kumukuwestyon sa pagtatambal namin, pero ngayon po tanggap na nila at may fans na kaming Team Ivan, iyon pong character ni Dennis sa story. Meron din pong Team Otep, ang character naman ni Rocco Nacino sa story.  Masisipag silang mag-tweet sa social media account nila habang nanonood ng soap.”

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa story ng serye nila ngayon, matapos ma-in love si Andrea/Andeng (Kris) kay Ivan, saka naman bumalik na si Otep mula sa bundok kung saan siya ipiniit ng mga rebelde.  Hindi malaman ni Andeng kung sino ang pipiliin niya kina Otep na una niyang naging boyfriend at nangakong hindi sila maghihiwalay, o si Ivan na nang mawala si Otep ay siyang pumawi sa pangungulila niya at natutunan na niyang mahalin.  Sino nga ba ang pipiliin ni Andeng?

“Mahihirapan talaga si Andeng dahil kahit minahal niya si Otep, naging mas bayolente ito, na maiintindihan mo rin naman dahil sa sinapit nito sa kamay ng mga rebelde.  At si Ivan naman ay natutunan niyang mahalin dahil naging mabait ito sa kanya at lahat ng gusto niya ay pinagbibigyan nito, at higit sa lahat naniwala siyang mahal siya talaga ni Ivan na hindi niya nakita noong sila pa ni Otep.”

Pero kung si Kris Bernal ang mamimili between Dennis at Rocco, siyempre si Dennis ang pipiliin niya.

“Tuwing may kissing scene po kami ni Dennis sa eksena,  pilit kong itinatago na kinikilig ako pero pagkatapos ng eksena, tumitili ako sa tuwa. Pero before the take, naghahanda po ako, gusto ko mabango ako kapag hinalikan ako ni Dennis. Nag-improve na rin ang working relationship namin at kapag tinitingnan niya ako, ngiting-ngiti ako sa kanya.”

Magiging factor ba ang age gap nila ni Dennis kung sakaling ligawan siya nito lalo’t pareho naman silang single ngayon?

“Hindi po naman, he’s 32, ako naman ay 25, seven years lang ang pagitan namin.  May appeal sa akin ang mga lalaking may magandang mata at at nakaka-turn on din ang pagiging quiet ni Dennis.  Pero kung liligawan niya ako, hindi naman ako agad bibigay,  kahit pa nagbibihis siya sa harap ko sa loob ng tent namin,” natawang pagtatapos ni Kris.

Napapanood sila sa bagong timeslot sa primetime, pagkatapos ng 24 Oras, ang new romantic-comedy series na More Than Words, Strawberry Lane and Hiram Na Alaala.