Angelica-Panganiban

HINDI nakadalo sa awards night ng Cinema One Originals ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban kaya hindi niya personal na natanggap ang parangal sa kanya bilang Best Actress sa pagganap niya sa pelikulang This Thing Called Tadhana.

Ito ang second Best Actress award ni Angelica sa Cinema One. Tinanggap ng direktor ng kanyang pelikula na si Antoinette Jadaone ang kanyang tropeo. Kasalukuyang nasa Amerika si Angel for a short respite with her boyfriend John Lloyd Cruz. 

Angelica bested highly favored to win the Best Actress plum na si Shamaine Buencamino para sa napakahusay niyang pagganap sa Lorna but who are we to question the jury’s choice? 

National

Mary Jane Veloso, makakauwi na ng 'Pinas bago mag-Pasko – Indonesian official

At any rate, dahil nga nasa bakasyon, idinaan ni Angelica ang pasasalamat sa pagkakapanalo niya sa kanyang Instagram account (@iamangelicap). 

She posted, “Salamat sa bumubuo ng Cinema One Originals sa muling pagbibigay parangal sa akin bilang isang artista. Nu’ng binigay sa akin ni @tonet_jadaone at @dan_villegas ang script ng That Thing Called Tadhana, nagmadali akong kausapin sila, at may halong takot na baka may nakuha na silang ibang artista para gumanap bilang Mace. Napakasuwerte ko na bakante pa ang posisyon ng babaeng tatanga-tanga at hibang sa konsepto ng pag-ibig.” 

Patuloy ng aktres, “Maraming salamat Direk Tonet sa napakatalino mong pagsusulat, sa tiwala sa ‘kin. Naging ‘beybi’ ko ang pelikulang ito. Bawat eksena, bawat linya, niyakap ko.”

Ibinahagi at pinasalamatan din niya sa kanyang leading man na si JM de Guzman, “Salamat @1migueldeguzman sa napakahusay na pagganap. Hindi lang si Mace ang tinulungan mo dahil ako mismo ang nakinabang sa talento mo. At sa lahat ng bumubuo ng pelikulang Pilipino, saludo ako sa inyo.”

Dagdag pa ng girlfriend ni Lloydie, “Sa puyatan, paguran, gutom, init, lamig, na kahit hindi tayo bayaran, paminsan-minsan, okay lang. Para sa pagmamahal at paggawa ng mas makabuluhang pelikula. lahat gagawin natin. Hindi magiging posible ‘to kung di dahil sa kasipagan at dedikasyon niyo. At ‘di ko puwedeng ‘di pasalamatan kayong lahat!!!! Kayong nag babasa nito, mga pumila, nakitawa, nagalit, umiyak kasama ni Anthony at Mace. Pasensiya na sa mahabang sinasabi ko. Pagbigyan niyo na ‘ko. Congratulations Team Tadhana! Kita-kita tayo pagbalik ko. “

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa katatapos na 10th Cinema One Originals:

Audience Choice: That Thing Called Tadhana (by Antoinette Jadaone)

Best Sound: Corinne de San Jose for Violator

Best Musical Score: Tengal Drilon for Hindi Sila Tatanda

Best Editing: Lawrence Ang for Violator

Best Production Design: Hai Balbuena for Esprit de Corps

Best Cinematography: Aditya Kumar for Bitukang Manok

Best Screenplay: Jay Abello and Dwight Gaston for Red

Best Supporting Actress: Maria Isabel Lopez for Lorna

Best Supporting Actor: Andy Bais for Violator

Best Actress: Angelica Panganiban for That Thing Called Tadhana

Best Actor: (TIE) Sandino Martin for Esprit de Corps and Matt Daclan for Soap Opera

Best Director: Kanakan Balintagos (formerly Auraeus Solito) for Esprit de Corps

Best Film: Violator