Prince-William-at-Kate-Middleton-copy

LONDON (AP) — Dadalaw ang royal couple na sina Prince William at Kate Middleton sa United States sa susunod na buwan kasabay ang pagbisita sa National September 11 Memorial at manonood ng NBA basketball game.

Magtutungo sa New York ang royal couple simula Disyembre 7 hanggang Disyembre 9, ngunit sa Disyembre 8 ay mag-isang tutungo si William sa Washington D.C., upang dumalo sa isang conference na tutol sa pakikipagpalitan ng illegal wildlife parts.

Ang Duchess ng Cambridge ay bibisita rin sa isang child development center, kasama ang New York first lady na si Chirlane McCray.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20