blind-copy-copy (1)

VERY popular sa campus noong nag-aaral pa sa isang sikat na unibersidad ang TV actor na bida ng ating blind item ngayon. Nope, hindi dahil sa utak niya dahil sa totoo lang, nakagradweyt ng kolehiyo si TV Actor na pasang awa.

Hindi rin dahil sa taglay niyang hitsura kaya napag-uusapan sa campus si TV Actor, but in fairness ay puwede rin naman siyang ihanay sa mga guwapong estudyante bagamat mas marami ang mas higit na may hitsura sa kanya.

Ang dahilan kaya sikat si Actor sa mga kapwa estudyante at mga gurong pinagdudahan ang kasarian ay dahil pa-booking si TV Actor.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Kumbaga, noon pa mang estudyante siya ay kung sinu-sino na ang nakasimsim ng kanyang bango, huh!

Nang magtapos ng kolehiyo ang pa-booking na nabuking ng aming source, marami ang napahanga niya dahil nagawa niyang tapusin ang pag-aaral sa sariling kayod niya. Hindi man siya napasama sa mga binigyan ng parangal, para sa TV actor bilang self-supporting student ay napakalaking karangalan ng pagtanggap ng college diploma.

Pero ang siste, hindi lang ang pagiging pahada ni Aktor ang pinag-usapan ng kanyang schoolmates kungdi pati na ang pagiging malamya noon pa man. Kuwento ng aming source na dating malapit sa kanya, nasimsim din ang bango ni TV Actor maging ng mga naging kaklase niya at napatunayan nila na kamiyembro siya ng federasyon.

Pero ngayong artista na at napapanood na sa telebisyon ay nagbago na ng imahe si TV Actor. Paminta as in pa-mhin as in lalaking-lalaki na siya. May ipinagmamalaki siyang kasintahan na ipinakikilala sa lahat, pero knows naman yata niya na anytime soon ay sisingaw at sisingaw din ang kasaysayan ng kanyang kabadingan.

Medyo malayu-layo na rin naman ang narating ng bida natin, at sa mga interbyu sa kanya ay lagi niyang sinasabi na gustung-gusto raw niyang sumikat nang husto.

Pero ‘yan, ngayon ang pinoproblema ni TV Actor.

Paano nga naman niya makamtan ang pangarap na kasikatan kung may lihim siyang itinatago na sooner or later ay malalaman din ng buong showbiz, huh!