Dahil sa sunud-sunod na krimen na nangyayari sa Boracay Island sa Malay, Aklan, iniutos ng Malacañang sa Philippine National Police (PNP) na bigyan ng special attention ang seguridad sa pamosong isla, lalo na ngayong Christmas season at tuwing summer.

Inilabas ang nasabing direktiba ng Malacañang sa harap ng magkakasunod at halos araw-araw na nakawan sa Boracay, na karaniwang mga turistang banyaga ang biktima.

Nito lamang nakaraang mga araw ay nabiktima ng pagnanakaw ang mga turistang Japanese, Chinese at Belgian na nagbabakasyon sa isla, at karamihan sa kanila ay pinapasok pa sa tinutuluyang hotel.

Kasabay nito, pinakilos din ng Malacañang ang mga awtoridad sa paliparan para ma-monitor ang mga airport taxi na sobra-sobra kung maningil sa mga dayuhan.
National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga