blind-copy-copy (2)

USUNG-USO yata ang buntis sa showbiz.

Pero kung merong taga-showbiz na proud sa kanyang pagbubuntis dahil legal o dahil may asawa naman sila, meron namang hangga’t maaari ay itinago.

Kahit pinagpipistahan na sila sa blind items at bukung-buko na, pilit pa rin nilang itinatanggi na may buhay na pumipintig sa kanilang sinapupunan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod sa isang sexy actress na hanggang ngayon ay hindi pa rin maamin-amin ang tunay na kalagayan, may isa pang showbiz personality na itinatago rin sa lahat ang pagbubuntis.

Pero kung knows natin ang “culprit” sa dinadala ng sexy actress, kakaiba naman itong tinutukoy naming isa pang showbiz personality (SA). May asawa si SA at siyempre, iisipin ng lahat na ang asawa niya ang nakabuntis sa kanya, huh!

Pero, hindi raw ang esposo niya ang nakabuntis sa showbiz personality kundi ang natsitsismis sa kanya na isang kilalang personalidad na nasa showbiz din naman paminsan-minsan kaso lang hindi na gaanong aktibo dahil mas binigyan ng prayoridad ang posisyong hawak niya ngayon.

For sure, sasabog din naman ang balitang ito. ‘Yun ay kung itutuloy ng showbiz personality ang pagbubuntis at tanggapin ang pagkutya ng mga tao sa showbiz at sa pulitika o ng lipunan sa kabuuan -- na nagbunga ang palihim nilang relasyon ng isang dating aktor na may asawa at mga anak.