Kim-Xian-copy (1)

MARIING itinanggi ni Kim Chiu sa presscon ng Past Tense, bagong Star Cinema movie nila ni Xian Lim with Ai Ai delas Alas, ang sinasabing limang taon nang itinatagong relasyon nila ng kanyang leading man.

Nasusulat kasi na more than five years na silang magdyowa ni Xian. Nagpaliwanag ang tsinitang aktres na imposible ito, pero ang posible ay tatlo o apat na taon pa lang ang unawaan nila, huh!

Pero agad nakiusap si Kim na huwag nang pag-usapan ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Xian, basta ang importante raw ay nagkakaintindihan silang dalawa. Napag usapan na raw nila na career muna ang dapat nilang atupagin kaysa magseryoso sa relasyon.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Pareho raw kasing nangangailangan ng atensiyon ang career nila at makapaghihintay naman ang lovelife, huh!

Ipinagmamalaki ni Kim ang latest film nila ni Xian with Ai Ai directed by Mae Cruz na siya ring namahala sa blockbuster hit nilang Bride for Rent. Bagamat matagal-tagal na rin silang hindi nagkatrabaho ni Xian, aminado si Kim na open na open lagi ang kanilang komunikasyon.

Hindi itinanggi ni Kim na sobrang na-miss niya si Xian.

“Lately, eh, hindi na kami nakakapag-date. Sobrang busy kami sa commitments namin. Nag-show kami. Nasa Australia siya, nasa Canada ako. Nasa magkabilang mundo kami. So, pagbalik namin everyday na kami nagsu-shooting ni Xian,” sey pa ni Kim.

Umaasa siya na hindi nawala ang init ng suporta sa kanila ng mga fans nila, na kung ano ang suportang ibinigay sa kanila sa mga naunang pelikula nila ni Xian ay mapantayan o mahigitan pa sa Past Tense na ipapalabas na sa November 26.