LONDON (AFP)— Sinabi ng British government noong Sabado na nakatanggap ito ng mga ulat na si “Jihadi John”, ang Islamic State militant na may British at lumalabas na pumugot sa mga kanluraning bihag, ay nasugatan sa isang US air strike.

Hindi makumpirma ng Foreign Office ang mga ulat na inilathala sa Mail noong Linggo na nagsasabing ang nakamaskarang executioner sa serye ng nakaririmarim na video na ipinaskil online, ay nasugatan habang dumadalo sa pagpupulong ng mga lider ng IS sa isang bayan sa Iraq malapit sa hangganan ng Syrian noong nakaraang linggo.

Ayon sa pahayagan, isinugod sa ospital kasunod ng US-led attack sa isang bunker sa Al Qaim, kanluran ng Iraq, noong Sabado na ikinamatay ng 10 IS commanders at ikinasugat ng 40 pa. Ito rin ang atake na iniulat na nasugatan ang lider ng IS na si Abu Bakr al-Baghdadi.

Si “Jihadi John” ang pinaniniwalaang pumugot sa mga US journalist na sina James Foley at Steven Sotloff at ng mga British aid worker na sina David Haines at Allan Henning.

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

Iniulat ng Mail na sinabi ng isang nurse na gumamot sa mga sugatan na mayroong isang lalaki na nagngangalan Jalman sa kanyang listahan, at ito ang “the one who slaughtered the journalists”.