Sunshine-Cruz-copy-542x500

MASAYANG-MASAYA si Sunshine Cruz nang makausap namin sa telepono kahapon. Unang-una, dahil sa unang pagkakataon ay nominado siya bilang Best Actress for a Single Performance sa PMPC Star Awards for Television na gaganapin sa November 23, sa Solaire Hotel.

"Hindi ko talaga iniexpect na mapapansin nila ang performance ko sa Maalaala Mo Kaya. Pero modesty aside, eh, puro puri ang nakukuha ko. Very proud ako sa ginawa ko, dugo'tpawis, 'ikanga," sey ni Shine.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ikinuwento ng aktres na tuwing may awards night ay gus tung-gusto niyang dumalo. Kaya tuwing naiimbitahan siya ay inihahanda niya ang sarili ni ya.

"Ngayon sa totoo lang, sobrang touched talaga ako. Akala ko talaga, pang best dressed na lang ako at hanggang presenter lang ang beauty ko every time na may awards night. Ngayon, eh, parang hindi pa rin ako makapaniwala na nomina do na ako at best actress pa," napatawang lahad ng isa sa cast ng Pure Love.

Ayon pa nga raw sa mga nakausap niyang staff ng MMK, isa sa the best ang episode na ginawa nila. Ipinagmalaki pa ni Sunshine na simula nang ipalabas ang MMK na tinampukan niya ay apat na araw na flooded ng mga papuri ang inbox ng cellphone at pati na Instagram, Facebook at Twitter accounts niya.

"Sa totoo lang, masayang'masaya talaga ako dahil napansin nila ang akting ko at nabigyan ng chance ang isang mom of three kids. Masayangmasaya nga ang mga anak ko nang malaman nilang nominated ako. Parang nakakabuti yata sa acting ko ang pakikipaghiwalay, he-he-he," bungisngis pang banggit ng magandang aktres.

Very proud din na binanggit ni Shine na magaganda ang boses ng mga anak niya. Si Samantha ay dream sumali sa The Voice Kids. Proud din si Sunshine na nag-i-excel ang mga anak niya sa school at alam nila ang priorities nila. Sinasabi raw ng mga ito sa kanya na after ng studies, saka na lang nila iisipin kung papasukin nila ang pag-aartista.

Sobra-sobra pa rin ang pasasalamat ni Sunshine sa ABS-CBN dahil alagang-alaga siya. Nagsimula siya sa teleseryeng Dugong Buhay na nasundan agad ng Galema at Pure Love at siyempre ang pagkakataon na maging bida sa isang episode ng MMK.

Tuluy-tuloy pa rin ang dating ng blessings kay Sunshine. Sunud-sunod ang endorsements niya, ang Ever Bilena, White Glow, Hip Culture, Cathy Valencia at meron pang isang bigating endorsement na hindi pa puwedeng ibunyag, huh.

Pagkatapos naman ng Pure Love ay may gagawin uling MMK episode si Sunshine. Hinihintay niya ang katuparan ng hinihintay niyang teleserye na siya ang main contravida. "

I'm very happy dahil hindi ako pinababayaan ng Itaas. Alam Niya kasing single mom ako at kailangan 'yun ng tatlo kong anak. Basta ba tuluy-tuloy ang trabaho, eh, I'll do my very best," sey pa ni Sunshine.