Ikinasa kahapon ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang proyektong “Barkada Kontra Droga” kaakibat ang mga kabataan sa pagsugpo sa ilegal at mapanganib na droga sa lungsod.

Ito ay sa ilalim ng Quezon City Anti Drug Abuse Advisory Council (QCDAAC) na ang chairman ay si VM Belmonte at bilang youth arm ng Dangerous Drugs Board (DDB) para sa pagtutulungan upang masawata ang paglaganap ng bawal na gamot sa lungsod.

Sa ngayon, nangangalap ng mga kasapi ang BKD mula District 1 hanggang 6 para sa registration. Ang mga miyembro ay dapat na nasa edad 12-25 taong gulang.

Sila ay isasalang sa pagsasanay para ipaalam ang kahalagahan ng batas, kanilang karapatan at maaaring gawin ng mga kabataan hinggil sa pagsugpo sa ilegal na droga sa kanilang lugar.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'