Bea-Zanjoe-copy

KAGAYA ng inasahan na namin, itinanggi ng bida sa Dream Dad serye ng ABS-CBN na si Zanjoe Marudo ang isyung hiwalay na sila ng kasintahang si Bea Alonzo.

Wala raw katotohanan ang isyu, pero ipinagdiinan niya na ang kawalan ng oras nila sa isa't isa ang dahilan ng problema sa relasyon nila. Pareho raw kasing hectic ang showbiz appointments nilang dalawa. Pero kahit paulitulit na ang explanation ni Zanjoe ay may mga nagdududa pa rin sa kanyang katapatan kay Bea, ang diumano'y naging dahilan kung bakit sinasabing nakipaghiwalay sa kanya si Bea.

"Walang ganu'ng pangyayari naman, hindi totoo 'yun. Hindi 'yan nangyari sa relasyon namin. Masaya kami at tsismis lang 'yun at gawa-gawa lang ng mga taong gustong maghiwalay kami. Kumbaga, gusto lang nilang gumawa ng isyu para sa amin," sey pa ni Zanjoe sa kanyang contract signing sa Star Cinema.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Aniya, walang katotohan ang isyu na pilit siyang iniuugnay sa ibang babae. Maski nga raw si Bea mismo ay hindi naniniwala sa tsismis na 'yun, huh!

"Alam naman niya 'yun . Kumbaga, alam niya kung gaano ako ka-loyal sa kanya. Kumbaga, sa tagal ko ba naman dito may nakikita ba silang gumawa ako ng kalokohan? Sa akin naman, kailangan ko pa bang magloko?" paliwang pa ng aktor.

Dagdag pa ni Zanjoe, hindi niya kailangang magmalinis pa. Pero kahit pakialaman pa raw ng lahat ang laman ng phone book ng cellphone niya ay wala siyang numero ng ibang babae.

"Kahit itanong natin sa mga babae dito sa industriya, wala akong number nila. Hindi naman sa nagmamalinis ako, hindi ako 'yung tipong ganu'n. Hindi naman ako guwapo, hindi naman ako habulin ng mga tsiks, so bakit naman magiging ganu'n ang ugali ko?" lahad pa ng aktor.