BAGHDAD (AP) — Sinabi ng mga opisyal ng Iraq noong Linggo na nasugatan ang pinuno ng grupong Islamic State na si Abu Bakr al-Baghdadi, sa isang airstrike sa kanlurang probinsiya ng Anbar.

Kapwa naglabas ng pahayag ang Defense at Interior ministry ng Iraq na nagsasabing si al-Baghdadi ay nasugatan, nang hindi nagbibigay ng detalye, at inilabas sa telebisyon ang balita noong Linggo ng gabi.

Si Al-Baghdadi, pinaniniwalaang nasa early 40s, ay may $10 milyon patong sa ulo mula sa US. Simula nang pamunuan niya ang grupo noong 2010, binago niya ito mula sa pagiging isang lokal na sangay ng al-Qaida at ginawang isang independent transnational military force.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2