Jimmy-and-Kring-2-copy

NANGGULAT sina Jimmy Kim at Kring Elenzano nang sila ang tanghaling I Do Grand Couple noong Sabado ng gabi sa Dolphy Theater. Nakamit nila ang 56.8% votes mula sa televiewers.

Napakarami kasi ng nag-akala na sina Chad at Sheela ang mananalo dahil marami ang nakaka-relate sa pinagdaanan nilang hirap sa buhay sa loob ng pitong taong relasyon. Napanood din sila sa loob ng I Do village na kahit na anong hirap ng challenges ay kinakaya nila at hindi sila sumusuko kaagad.

At higit sa lahat, bukambibig nila na ang Panginoong Diyos ang sentro ng kanilang pagmamahalan.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Pero mas gusto pala ng televiewing public ang ala-Koreanovela o kakaibang relasyon nina Jimmy at Kring na tinaguriang ‘couple in trouble’ dahil sa ‘love karera’. Naimpress yata ang publiko na kahit magkaiba ang kulturang kinalakihan ay magkasundo sila sa lahat ng bagay.

Bihira nga naman sa katulad ni Kring na umiintindi at tinuturuan sa maraming bagay si Jimmy na isang Korean at gayundin ang binata na sobrang proud sa Pinay girlfriend niya na halatang mas malakas ang personalidad kaysa sa kanya.

‘Tila nagustuhan din ng mga bumoto ang kabaitan ni Jimmy na minahal na nang husto ang Pilipinas sa gabay na rin ni Kring na noon pa pala ay pangarap nang magkaroon ng Korean boyfriend/ husband.

Perfect combination ang grand couple dahil events organizer si Kring at photographer naman si Jimmy.

Nagustuhan din ng viewers ang maayos na pagtanggap kay Kring ng future in-laws niya nang pumunta sila sa Seoul, Korea para personal siyang ipakilala ni Jimmy sa ina at kapatid (nauna na rito sa Pilipinas ang ama).

Ikakasal sina Jimmy at Kring sa Miyerkules (Nobyembre 12) at mapapanood ito sa I Do grand wedding episode sa Sabado (Nobyembre 15).

Natupad ni Jimmy ang pangako niya kay Kring na kapag ikinasal sila ay mapapanood ito sa buong mundo dahil na rin sa TFC.

Napanalunan nilang dalawa ang fully-furnished house and lot mula sa Lancaster BS Homes Realty Corporation, isang milyong pisong cash, at franchise businesses na nagkakahalaga ng isang milyon at limandaang piso.

Pero hindi rin naman umuwing luhaan sina Chad at Sheela dahil tatanggap sila ng limandaang libong piso.

Ayon sa I Do host na si Judy Ann Santos ay magkakaroon ng ikalawang season ang kanyang reali-serye at gagawa ulit ng mga bagong bahay at bagong rules and regulations para hindi na kapareho sa unang season.