JEFF Chan and Denok Miranda

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Blackwater vs. Globalport

5:15 p.m. Purefoods vs. Ginebra

Eleksyon

Bilang ng mga Gen Z voters malaking porsyento nga ba sa eleksyon?

Ikalawang sunod na panalo na magpapatatag sa kapit nila sa ikalawang puwesto ang tatangkain ngayon ng crowd favorite Barangay Ginebra San Miguel sa pagsagupa sa sister team at reigning grandslam champion na Purefoods Star Hotshots sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos ang di-inaasahang kabiguan sa kamay ng baguhang NLEX, nakabalik ang Kings sa winning track matapos pataubin ang isa pang baguhan na Blackwater sa nakaraan nilang laro, 100-91, upang umangat sa barahang 3-1 kung saan ay nakasama nila sa kasalukuyan ang Meralco at ang isa pang sister team na San Miguel Beer na lumalaban naman habang isinasara ang pahinang ito sa ikalawang road game ng season kontra sa NLEX sa Tubod, Lanao del Norte.

Sa nasabing huling panalo ng Kings, bumalikwas mula sa kanyang average career low na 8 puntos sa naunang tatlong laro ng Kings si Mark Caguioa upang pamunuan ang koponan sa kanyang ipinosteng 18 puntos, 10 dito ay isinalansan niya sa final canto.

Bukod kay Caguioa, binigyang papuri rin ni coach Jeffrey Cariaso ang iba pang mga beterano sa kanyang roster na gaya ni Jayjay Heltyerbrand na muli niyang aasahan sa kanilang laban ngayon kontra sa Hotshots na naghahangad naman ng kanilang ikalawang sunod na panalo matapos matalo sa unang dalawa nilang laro.

“Our veterans are really vital to the team. Even if they do not score, if they do what they are supposed top do, that’s a big help to us,” pahayag ni Cariaso.

Sa kabilang dako, bagamat pilay ang kanilang lineup, sinabi ni Hotshots coach Tim Cone na hindi ito rason para sila matalo.

“Injury is not an excuse to us. With some of the guys in the injured list everybody must step up and do their share,” ani Cone na tinutukoy sina Ian Sangalang na matagal pang magpapahinga matapos magtamo ng ACL injury at James Yap.

Samantala, sa unang laro, maghahabol namang makapagtala ng kanilang pinaka-aasam na unang panalo ang baguhang Elite sa kanilang pagtutuos ng Globalport.

Ngunit tiyak namang hindi sila basta na lamang pahihintulutan ng Batang Pier na nagnanais namang makapagtala ng unang back-to-back win para makaangat at sumalo sa ikatlong puwesto kasama ang Rain or Shine at Talk ‘N Text na may barahang 3-2.

Para kay coach Pido Jarencio, sapat na “maturity” sa laro ng kanyang mga player ang hinahangad para magkaroon ng consistency para magtuluy-tuloy ang pag-akyat nila sa tagumpay.

“Iyong dalawang talo namin, hindi naman ‘yun ang character ng team na nawawala sa endgame. Para sa akin, breaks of the game lang ‘yun. Kulang pa lang talaga sa maturity at consistency, pero hindi na kami nalalayo doon,” ayon kay Jarencio.