Jolina Magdangal

MAGAGANAP sa ASAP 19 ang grand welcome ng ABS-CBN Network sa pinakahihintay na pagbabalik ng ‘90s multimedia idol na si Jolina Magdangal ngayong tanghali kasama ang Kapamilya stars na sina Juris Fernandez, Richard Poon at Piolo Pascual.

Garantisadong muling mapapahiyaw sa muling pagkilala sa kanyang mga awitin, hindi malilimutang box office movies, kasama ang kilalang Jolina Doll.

Kaabang-abang din ang duet ng The Voice coaches na sina Sarah Geronimo at Bamboo at si Gloc 9 kasama naman si Paolo Valenciano.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Kapana-panabik din ang sorpresa ng international actress at Blood Ransom star na si Anne Curtis sa nakamamanghang production number.

Panoorin ang mga awit ng pag-asa kasama sina Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Yeng Constantino, Princess Velasco, Tutti Caringal at Piolo Pascual sa isang special ‘Yolanda’ commemoration.

Bukod sa kapana-panabik na concert treats, humanda sa grand album launch ni Ai Ai de las Alas kasabay ng kanyang exciting birthday celebration.

Mag-eenjoy naman ang young viewers sa pag-apaw ng kilig sa apperance ng cast ng Relax, It’s Just Pag-ibig na sina Iñigo Pascual, Sofia Andres, Ericka Villongco at Julian Estrada plus throwback treats mula sa Kapamilya’s biggest kiddie at teen stars na si Kathryn Bernardo kasama sina Julia Baretto, Janella Salvador, Jerome Ponce, Marlo Mortel, Maris Racal, Loisa Andalio, Joshua Garcia, Miles Ocampo, CJ Navato, Jairus Aquino, Alexa Ilacad, Clarence Delgado, Nhickzy Calma, Mutya Orquia, Xyriel Manabat, at Andrea Brillantes.

May show-stopping birthday treats naman kasama ang awesome supahdance performances nina Enchong Dee, Shaina Magdayao at Nash Aguas at ilulunsad ang debut album ng Gimme 5. Non-stop ang hatawan sa dancefloor nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Nikki Gil, Jane Oineza, Myrtle Sarrosa at Bangs Garcia. Tiyak na mag-iinit ang dancefloor sa dance treat nina Ina Raymundo at Jayson Zamora.

Makisaya sa exciting battle nina Luis Manzano at Alez Gonzaga sa mas pinabonggang “ASAP Karaoke” segment kasama si Marcelito Pomoy.

Huwag palampasin ngayong tanghali ang ASAP 19, ang longest-running at award-winning variety show ng sambayanan, sa ABS-CBN.