blind item shades

NATAWA kami sa kuwento ng isang kasamahan naming manunulat tungkol sa kakuriputan ng aktres na dating beauty queen at matagal na rin naman sa industriya. Tuwing Pasko raw, ugali nang mag-recycle ng beteranang aktres ng mga inireregalo.

Pero ang nakakaloka, pati dahil ba naman bulaklak, inire-cycle niya.

At ang lalong nakakaloka, pati mga bulaklak sa isang puntod na katabi ng dinalaw niyang kamag-anak nu’ng Pista ng Patay, dinugas pa nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwento ng aming katoto, pagkatapos magsindi ng kandila at mag-alay ng dasal ay napansin ng beteranang aktres na maganda ang mga mamahaling bulaklak sa katabing puntod. Ipinakuha nito ang mga bulaklak sa kasamang alalay at inutusan na ilagay sa kotse nila.

Siyempre, sunud-sunuran naman ang dyulalay sa amo na ang akala raw niya ay ilalagay sa garden nila. Pero pagdating sa bahay ay inayos daw uli ng beauty queen/actress ang mga bulaklak at nilagyan pa ng magandang ribbon with matching dedication na.

’Yun pala ay ireregalo ng magaling na beteranang aktres/beauty queen sa isang kaibigan naman na nagdiriwang ng kaarawan, huh!

Asus, bulaklak na nininok sa sementeryo, iniuwi, inayos, at iniregalo sa isang kaibigang may kaarawan?

Creepy, ha?