Julian & Julia

KUMALAT noong Huwebes na ipinababawi raw kay Julian Estrada ang sinabi niya sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-Ibig na naka-relasyon niya si Julia Barretto sa loob ng anim na buwan.

Hindi raw ito nagustuhan ng teen actress na kaagad humingi ng tulong sa Star Magic, ang management agency nila ni Julian.

Nauna nang itinanggi ni Julia sa mga interview sa kanya noon at sa kanyang social media accounts na never niyang naging boyfriend si Julian. Magkaibigan lang daw sila.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nabuking na hindi nagsabi ng totoo si Julia dahil “honesty is the best policy” ang pinairal ng cast ng Relaks, It’s Just Pag-ibig nang humarap sa presscon. Sa social media, siya ang nagiging nega. Hanggang sa kumalat na nga na sinabi raw ni Julia na bawiin ni Julian ang mga sinabi nito at idinulog na raw ang problema sa Star Magic.

Maraming netizens ang umalma sa isyung ito dahil ano raw ba ang masama sa pag-amin ni Julian gayong hindi naman nito intensiyon na baligtarin ang mga deklarasyon niya kundi nasukol lang ng entertainment press ang binatilyo.

Nagtanong kami sa taga-Star Magic tungkol dito at nagulat din daw sila kung saan nanggaling ang isyu.

“Ewan ko, Reggs, nagtataka rin kami, ayaw na nga namin patulan ‘yan (isyu kina Julia at Julian), bahala sila,” katwiran sa amin.

Humingi nga ba ng tulong sa Star Magic si Julia na ipabawi kay Julian ang isyu?

“Wala namang sinasabi sa amin si Julia, wala naman. Nabasa nga namin ngayon (kahapon), hayaan mo na, dedma na,” say ng taga-Star Magic na nagbiling huwag na namin siyang pangalanan para hindi na lumaki ang isyu.

Sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig, nakita namin kung paano tinapik si Julian -- para sawayin -- ng road manager niya nang aminin niya kung ilang buwan niyang nakarelasyon si Julia.

Pero hindi nagpapigil ang batang aktor dahil nga kinukulit na namin siya hanggang sa hinila na siya ng road manager at tuluyan na silang umalis sa Bella Ibarra, ang venue ng presscon.

Hmmm, so sa tingin mo, Bossing DMB, saan galing ang isyu?

(Kadalasan kapag ganito ang isyu, sa fans din naman nanggagaling. –DMB)