Jolina & Marvin

TINANONG namin sa pocket presscon ng Flordeliza ang program manager ng business unit ni Ms. Linggit Tan na si Ms. Cynthia Jordan o mas kilala bilang si Mama Bear kung ana ang timeslot ng balik-tambalan project nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

"Hindi po namin alam, wala pa pong sinasabi ang management saka ipapapreview pa lang namin," sa got ng TV executive.

Umiling lang si Mama Bear nang sabihin namin na magtatapos na ang Pure Love, kaya binanggit namin ang tsikang baka ito ang ipapalit sa Be Careful With My Heart.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

"Hindi po, primetime raw po, so hindi po sa morning," salag ni Mama Bear.

Ang kuwento pala ng FlordeIiza ay tungkol sa dalawang bata na si Elizabeth (anak ni Desiree del Valle) at si Liza Marie (anak naman ni Jolina) na may dalawang tatay at magiging isa.

Magkakaroon ng kaugnayan si Marvin kina Jolina at Desiree.

Kasama rin si Carlo Aquino sa serye, kuwento ni Mama Bear,

"'Yung era talaga nila, Reggs, the Tabing Ilog batch."

Bakit wala si Baron Geisler?

"Si Baron, hindi pa as of now," saad sa amin.

Natutuwa si Mama Bear at ang mga kasamahan niya sa pagbabalik nina Marvin at Jolina sa ABS-CBN.