Hiniling kahapon ni Senator Ramon “Bong” Revilla sa Sandiganbayan na payagang magtungo sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City upang sumailalim sa medical check up.

Sa dalawang pahinang mosyon nito, ipinaliwanag ng senador na lumalala na ang pananakit ng ulo nito dahil sa migraine na una na nitong idinadaing nang mapiit ito sa PNP Custodial Center.

Inirereklamo rin ni Revilla ang pananakit ng kasukasuan, hypertension, dyslipidemia o abnormal cholesterol count sa dugo.

Ipinaliwanag nito na dapat siyang payagan ng hukuman upang maisalang ito sa MRIMRA, blood chemistry at iba pang pagsusuri.

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

Nilinaw ni Joel Bodegon, legal counsel ng senador, hindi kayang gawin sa PNP Hospital dahil walang makabagong medical equipment doon.

Aabot naman sa limang araw ang ibinigay ng anti-graft court sa prosekusyon para magkomento sa hiling ni Revilla.