Ni ELENA L. ABEN

Nagpadala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga military truck sa Albay upang tumulong sa mga nagsilikas na residente na makabalik sa kani-kanilang tahanan matapos kumalma ang Bulkang Mayon.

Sinabi ni Maj. Angelo Guzman, tagapagsalita ng Southern Luzon Command (Solcom), pinayagan na ng “Task ForceSagip-Mayon” ang mga residente na makabalik sa kanilang tahanan.

Aabot sa 36 military truck, medical team at disaster response unit ang tumutulong sa mga pangangailangan ng halos 12,000 evacuee na makabalik sa kanilang komunidad.

Internasyonal

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria

“Aabutin pa ng ilang araw ang proseso ng decampment sa evacuation center at patuloy ang suporta ng Solcom hanggang hindi natatapos ang aming misyon,” pahayag ni Guzman.

Kasabay nito, sinabi rin ng tagapagsalita ng Solcom na patuloy silang nagbibigay seguridad sa mga lugar na naapektuhan sa pagaalburoto ng Bulkang Mayon matapos mapatay ang dalawang sundalo sa pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang mga biktima ay nagsasagawa ng humanitarian mission.

“Now that the humanitarian assistance and disaster response operations in Albay is about to end, Solcom can focus more on its internal peace and security operations in Albay and the Bicol region. Disaster Response Operations Units of Solcom will remain and always be on alert to help in any natural or man-made calamity that may occur in the future,” saad ni Guzman.