CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Anim na most wanted at 13 iba pang pinaghahanap ng batas ang inaresto ng Bulacan Police Provincial Office ngayong linggo, ayon kay Provincial Director Senior Supt. Ferdinand O. Divina.

Sa kanyang report kay Chief Supt. Raul D. Petrasanta, Police Regional Office (PRO)-3 Director, sinabi ni Divina na simula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 2, ay naaresto ng kanyang grupo sina Christopher Dela Cruz y Zaballa, pangalawang most wanted sa Hagonoy, akusado sa ilegal na droga; Julius Policarpio y Parulan, pampitong most wanted sa Sta Maria, rape; Eric Ajose y Mosende, statutory rape; pangalawang most wanted sa Bustos; Crisostomo Vitangcol y Cruz, akusado sa pagmomolestiya ng bata, ikapitong most wanted sa San Ildefonso; Bobby Bondoc, robbery,pangsiyam na most wanted sa Sta. Maria; at Cristina Del Poso y Simbre, sangkot sa ilegal na droga, pampitong most wanted sa Baliwag. (Freddie C. Velez)

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary