Dinagsa ng libu-libong taga-Tondo I ang proyektong “Libreng Sakay” ni Manila 1st District Rep. Benjamin “Atong” Asilo nitong Nobyembre 1, 2014.

Itinuloy pa rin ni Liberal Party Rep. Asilo ang proyektong Libreng Sakay noong Undas sa kabila ng pagkasunog kamakailan ng kanyang bahay sa Tondo I.

Sinabi ni Asilo na may 50 bahay ang natupok sa sunog, na nakaapekto sa 275 pamilya.

Kaagad na humingi ng tulong ang kongresista sa gobyerno para alalayan ang mga kapitbahay na nasunugan.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Ikinasiya ng mambabatas na 20,000 sa kanyang constituents ang nabenepisyuhan ng taunan niyang proyekto simula nang mahalal siyang konsehal sa Maynila.

Ayon kay Asilo, na kilala bilang “Kongresista ng Masa”, dinagsa ng kanyang constituents ang siyam na terminal sa distrito, nang 75 sasakyan ang naghatid sa mga ito sa Manila North Cemetery.