Nagsampa kahapon ng mosyon sa Sandiganbayan si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA) upang hilingin na makalabas muna ng Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) para makadalaw sa burol at libing ng kanyang isang taong gulang na apo.

Sa mosyon ni Atty. Laurence Hector Arroyo, legal counsel ng dating Pangulo, hiniling din ng akusado sa Sandiganbayan First Division na pagayan itong sumailalim sa house arrest sa loob ng siyam na araw sa kanyang tahanan sa La Vista, Quezon City simula kahapon hanggang Nobyembre 12, at araw-araw na makadalo sa burol ng apo sa Forbes Park sa Makati City, hanggang sa libing.

Ang nasabing apo ni GMA sa anak na si Luli Arroyo-Bernas ay namatay habang nakaratay sa Philippine Heart Center nitong Linggo dahil sa congenital heart problem.

Binanggit din ng dating pangulo sa korte na “hindi siya (GMA) flight risk at wala rin itong planong tumakas”.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Itinakda naman ng hukuman ang pagdinig sa nasabing mosyon ganap na 8:30 ng umaga ngayong Martes.

Si GMA ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa VMMC sa Quezon City dahil sa kasong pandarambong at electoral sabotage.