HINDI lang galing sa pagkanta ang dumadaloy sa dugo ng mga Pinoy kundi pati na rin ang pagiging palaban at pagiging positibo sa pananaw sa buhay. Patutunayan ito sa pagsabak sa blind auditions ng The Voice of the Philippines ngayong gabi ang isang taong may kapansanan na nais ipakitang walang makakahadlang sa kanyang pangarap.

Susubukan ng nasabing person with disability na mapaikot ang upuan ng superstar coaches na sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga.

Mapapanood din mamaya ang anak ng isang senador, isang wakeboarder, isang classically trained singer, at isang hot daddy na tumalikod sa madilim na nakaraan para magbagong buhay.

Kaabang-abang din ang mga eksena sa audition ng isang balladeer na may matinding crush kay Toni Gonzaga, at tuturuan pa siya ni coach Apl na manligaw sa pamamagitan ng makamandag na pick-up lines.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng blind auditions sa top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines ngayong Linggo (Nobyembre 2), 8:30 PM sa ABS-CBN.