Purefoods Marc Pingris steals the ball from GlobalPort's Yancy DeOcampo during PBA action at Smart Araneta Coliseum.   Photo by Tony Pionilla

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Barako Bull vs. San Miguel Beer

5:15 p.m. Rain or Shine vs. Talk ‘N Text

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Makisalo sa liderato ang target ngayon ng San Miguel Beer sa pagsagupa sa winless na Barako Bull sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalukuyang nasa ikalawang posisyon ang Beermen na taglay ang barahang 2-0 sa likuran ng namumunong Aces na wala pang talo matapos ang tatlong laro.

Kasunod ng kanilang ikalawang dikit na panalo, matapos ang 87-80 paggapi sa defending champion Purefoods Star Hotshots sa kanilang ikalawang laro, naniniwala ang bagong head coach ng Beermen na si Leo Austria na nasa tamang landas na ang tinatahak ng koponan upang tapusin na ang kanilang mahigit na apat na taong title drought.

“We beat two finalists last season. It’s an indication that the team is on the right track,” pahayag ni Austria.

Bagamat wala pang panalo ang makakasagupang Barako Bull, hindi naman binibigyan ng puwang ni Austria sa isipan ng kanyang mga player ang labis na kumpiyansa.

“They’re still adjusting to the system of their new coach, but it doesn’t mean we should take them for granted,” ayon pa kay Austria na tinutukoy ang bagong appointed coach ng Energy Colas na si Koy Banal na humalili, ilang araw bago magbukas ang PBA 40th season, sa dating coach na si Siot Tanquingcen.

Samantala, sa tampok na laban, galing sa nakapanlulumong 98-100 pagkatalo sa Aces sa nakaraan nilang laban na nagbaba sa kanila sa barahang 1-2 (panalo-talo) kasalo ang Globalport, Kia at Purefoods sa ikaapat na puwesto, sisikaping bumangon ng Tropang Texters at makabalik sa winning track sa kanilang pagtutuos ng Elasto Painters.

Hangad naman ng Rain or Shine na madugtungan ang naitalang dalawang sunod na panalo kontra sa baguhang Blackwater Sports at Kia Sorento sa kanilang pagharap sa Tropang Texters ngayong alas-5:15 ng hapon.

Ayon kay coach Yeng Guiao, nagsisimula pa lamang na muling maibalik ang kanilang “chemistry” at kumpiyansa sa laro kaya naman umaasa siyang magtutuluy-tuloy ang kanilang ipinakitang laro kontra sa Kia kung saan mataas ang ipinamalas nilang enerhiya sa kabuuan ng laban.