MALOLOS CITY, Bulacan – Apat na miyembro ng isang robbery group ang napatay ng mga pulis sa isang engkuwentro sa harap ng tanggapan ng Palayan sa Nayon Cooperative sa Barangay Ligas sa lungsod na ito, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Bulacan Police Provincial Office Director Senior Supt. Ferdinand Divina na agad na namatay ang tatlong biktima, habang isang residente at isang pulis ang nasugatan.

Aniya, ang isa pang suspek na nagmaneho sa umano’y get-away car, isang Toyota Vios (TOK-561), ay napatay nang makipagbarilan sa tumutugis sa kanyang mga pulis sa Malolos Crossing sa Bgy. Guinhawa. - Freddie C. Velez

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod