Nadakip na ng mga tauhan ng Sub-Station 1 (SSI) ang bagets na bumaril sa dalawang binatilyo sa loob ng isang Internet shop sa Caloocan City, nitong nakaraang Huwebes.

Sa report ni P/Chief Inspector Reynaldo Medina, hepe ng SSI ng Caloocan Police, kinilala ang naaresto na itatago sa pangalang ‘John Mike’ residente ng Albaye Street, Barangay 153, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Magugunita noong Oktubre 23, bandang 1:00 ng madaling araw, naglalaro sa Piso Net sina Art Tomboc, 17 at Manolet Madrid, 16, sa Kaunlaran Street, Bgy. 53, Bagong Barrio, Caloocan City.

Biglang sumulpot si John Mike at pinaputukan si Tomboc na tinamaan sa kaliwang hita at si Madrid sa ulo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tumakas ang suspek habang isinugod ang mga biktima sa Manila Central University (MCU) Hospital.

Sapagkat may nakakilala sa suspek, naaresto agad ng mga tauhan ni Major Medina. Mismong ang mga saksi ang nagkumpirma na si John Mike ang bumaril sa mga biktima.