Tinanggap ni Vice President Jejomar C. Binay ang imbitasyon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) upang ipahiwatig na walang basehan ang alegasyon ng kanyang mga kritiko sa Senate Blue Ribbon sub-committee.

Batid ni Binay na nais buksan ang pintuan ng CBCP at pakinggan ang kanyang panig kaugnay sa paratang ng katiwalian na ibinabato laban sa kanya at ng kanyang pamilya.

“It would be an honor to meet with you and other members of the CBCP and the Church. I am grateful for the opportunity to clear my family’s name and put an end to this tired issue,” sabi ni Binay sa liham nito kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Committee on Public Affairs.

Unang nakausap ni Pabillo ang pitong pulitiko ng Makati na naglabas ng mga alegasyon at nagsampa ng kaso laban sa bise-presidente.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Sinabi ni Pabillo bukas ang pintuan ng CBCP para sa Vice President at iba pa para ibigay ang kanilang panig.

Sa ngayon, hindi pa naitatakda ang petsa ng pulong ng CBCP at Binay.

Samantala, inihayag naman ni Cavite Governor Jonvic Remulla, tagapagsalita ni Binay sa usaping pulitikal, sa susunod na linggo pa malalaman ang desisyon hinggil sa kung tatanggapin o hindi ang imbitasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagdalo ng bise-presidente sa pagdinig kaugnay sa overpriced Makati City Hall Building 2.