Matteo-Guidicelli

TUMAAS ang kilay ng source namin nang mapanood niya sa The Buzz si Matteo Guidicelli na walang pagngiming binanggit na walang problemang namamagitan sa kanya at sa ina ng kasintahan niyang si Sarah Geronimo na si MommyDivine.

Ipinaliwanag pa mandin ni Matteo sa interbyu ng naturang programa sa kanya na hindi naman nagri-react si Mommy Divine sa mga naging interview sa kanya tungkol sa kanila ni Sarah.

Katwiran ni Matteo, sinagot lang naman niya ang mga tanong sa kanya ng reporters at siniguro na walang masasaktan sa mga naging paliwanag niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Hindi pa sila okay ni Mommy Divine. May galit pa rin sa kanya ang ina ni Sarah. Alam ni Matteo ‘yan. Minsan kinausap na siya at pinagsabihan pero may mga lumalabas pa rin na hindi gusto ni Mommy Divine,” sey ng aming source.

Ayon pa sa kausap namin, malayo sa katotohanan ang binanggit ni Matteo na “everything is fine”.

“Hindi totoo ‘yan. Kung okey na sila, dapat wala nang pag-aalinlangan sa pagsasalita si Matteo tungkol sa kanilang dalawa ni Sarah. Sa totoo lang, ingat na ingat pa rin ‘yan dahil alam niyang konting pagkakamali lang sa mga sasabihin niya, eh, tiyak makatikim siya ng salita mula sa ina ni Sarah, “ kuwento ng aming source.

Kaya ang tanong namin, may warning ba kay Matteo ng parents ni Sarah na huwag nang magsasalita tungkol sa relasyon nila dalawa ng dalaga?

“Korek na korek!” sagot ng source.