Angelica Panganiban

AGARANG pinabulaanan ni John Lloyd Cruz ang kumakalat na balitang may anak na siyang 16 years old na nag-aaral sa UP Los Baños.

Nag-umpisa sa blind item ang isyu na napulot sa social networking account ng dalagitang nagki-claim na anak daw ito ng artistang dating taga-Tabing Ilog na may malalaking eyebags.

Hanggang sa pinangalanan na si Lloydie ng ibang netizens na siya ang ama ng dalagitang nag-post ng sentimyento nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa panayam sa aktor ng ilang katoto, mariin niyang itinanggi ang isyu at sinabi niyang, “Totoo, totoong maraming nahihibang.”

Imposible raw kung 16 years old na ang bata dahil ibig sabihin, 15 anyos lang ang aktor nang ipanganak ang bata.

John Lloyd Cruz

Ang hamon ngayon ni Lloydie, kung totoo ang claim ng dalagita ay gawin nito ang tamang proseso at hindi idaan sa social media.

Samantala, papuntang Amerika si Lloydie kasama si Angelica Panganiban para magbakasyon at para ipakilala na rin ang aktor sa ama ng aktres.

Isa ito sa mga dahilan kaya hindi muna tumanggap ng projects ang aktor tulad ng Bridges (pinalitan na siya ni Xian Lim).

Kuwento ng taga-Home Sweetie Home, “Magbabakasyon kasi nang matagal sina Lloydie at Angel kaya ayaw muna niyang mag-taping.”

Bukod dito ay na-drain daw ang aktor sa papel nito sa The Trial bilang developmental delay child na palabas pa rin sa mga sinehan.