Enrique at Liza

MAPAPANOOD na simula sa Lunes ang Forevermore, ang pinakabagong romantic drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng prince charming ng kanyang henerasyon na si Enrique Gil at ng leading lady to watch out for na si Liza Soberano.

Sa direksyon ng master love storyteller na si Cathy Garcia-Molina at Ted Boborol, ang Forevermore ay isang seryeng gugulo sa puso at isip ng manonood dahil sa naiibang kuwento ng pag-ibig na uusbong sa dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mundo – si Xander (Enrique) na rebelde at iresponsibleng unico hijo ng isang hotel magnate at si Agnes (Liza) na palaban at masipag na Strawberry Jam Queen ng La Trinidad, Benguet.

Magsisimula ang ugnayan nina Xander at Agnes nang minsang aksidenteng maglanding ang parachute ni Xander sa strawberry truck ng dalaga. Upang maturuan ng leksiyon, hinayaan si Xander ng kanyang mga magulang na bayaran ang kanyang nasira sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa strawberry farm kasama ni Agnes at ng iba pang magsasaka. Ang Forevermore ay produksiyon ng Star Creatives, business unit ng ABS-CBN na naghatid sa primetime TV ng hit romantic drama series gaya ng Princess and I at Got To Believe, atbp.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Makakasama nina Liza at Enrique sa Forevermore sina Sophia Andres, Yves Flores, Kit Thompson, Zoren Legazpi, Lilet, Marissa Delgado, Joey Marquez, at Almira Muhlach.

Tiyak na madarama ng young ones at muli namang babalik sa alaala ng young once ang tamis at pait ng unang pag-ibig sa Forevermore, gabi-gabi, simula ngayong Lunes sa ABS-CBN Primetime Bida.