kc concepcion

SA lahat ng na-dengue, si KC Concepcion lang yata ang madaling naka-recover. Anim na araw lang siyang naospital, thank God! Pero nagresulta ito sa pagtataas ng kilay ng mga nagmamahal sa kanya, dahil sa lahat ng nakaranas ng dengue, siya rin ang blooming na blooming paglabas ng ospital.

Hindi maitatanggi ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na may kinalaman si Paolo Avelino sa pangyayaring ito.

Hindi kaartehan on the part of KC na sabihing wala pa sila ni Paolo sa stage na sasabihing sila na nga.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“May anak siya (Paolo) at kailangan muna niyang ayusin ang estado nilang mag-ama bago ang isang matibay na relasyon,” makahulugang wika ni KC.

“It’s true na araw-araw at gabi-gabi niya akong binabantayan at inaalagaan sa hospital while I was sick. And it meant a lot to me. Ibang klase siyang mag-alaga. Nandiyan siya when I most needed him. At inaaliw din niya ako. He brought his guitar at kinakantahan niya ako ng mga awiting gusto ko!”

At ang pinakaimportanteng nagawa ni Paolo para gumaling siya agad?

“Yakapsul,” aniya, sabay kindat at ngiti.

Imagine, talbog ang lahat ng gamot ni KC sa ospital. Yakapsul lang pala ang kailangang gamot niya.

Hindi naman nagpabaya ang kanyang dad na nakita at nakunan pang katabi niya sa kama nang dumalaw sa hospital.

“My baby, may kamukhang baby!” paulit-ulit na wika ni Gabby, habang hinahaplushaplos ang buhok at hinahalik-halikan ang magkabilang pisngi ng anak.

Hindi lang nasusulat pero, umuusok ang telepono at cellphone ni KC habang nasa hospital siya sa dalas ng pagtawag ng kanyang Mommy Sharon. Hindi pa puwedeng magpakita si Shawie habang nag-a-undergo ng Cohen Diet para magpatuloy ang kanyang ‘pasabog’.