ELLEN Adarna

WALANG preno talaga ang bibig ng napiling 2015 calendar girl ng Ginebra San Miguel, Inc. na si Ellen Adarna na sa press launch ng kanyang kalendaryo ay buong kaprangkahang inamin na high school pa lang siya ay tomador na siya at hindi niya ito ikinahihiya.

Sa iba’t ibang klaseng inumin ay GSM Blue ang iniinom ng sexy star.

“Ang iniinom ko po talaga ay ‘yung GSM Blue, noong high school pa kami, mura lang kasi siya kaya feeling namin afford namin talaga,” pagtatapat ng dalaga nang tanungin siya kung ano ang brand niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi nagkamali ang Ginebra San Miguel, Inc. na kuning calendar girl sa 2015 si Ellen dahil talagang tinatangkilik pala nito ang produkto nila.

Dagdag pa ni Ellen, “Walang chaser, diretso, hard drinker talaga ako. I reward myself after work, so I drink. ‘Pag stressed ako, umiinom din ako. At ‘pag masaya rin, umiinom din with my friends.”

Sa katunayan, nakainuman na pala niya si John Lloyd Cruz kasama ang girlfriend nitong si Angelica Panganiban noong nakaraang linggo lang.

May nagtanong kasi kung type ni Ellen na makainuman ang bida ng The Trial na madalas mapabalitang umiinom kaya nabanggit ni Ellen nagkasama at nagkainuman na sila kamakailan.

Tinanong din si Ellen kung sino sa mga artistang lalaki sa showbiz ang gusto o pinagpapantasyahan niya.

“Wala akong pinagpapantasyahan kasi may boyfriend naman ako, siguro gusto kong makatrabaho, si John Lloyd Cruz, kasi ang galing-galing niya,” sagot ng dalaga.

Sa ipinakitang pictorial ni BJ Pascual kay Ellen para sa 2015 GSMI calendar na kinunan sa palayan, construction site, at dagat bilang tribute sa hardworking Filipino men na tumatanggkilik ng Ginebra San Miguel ay kitang-kita na talagang flawless siya. Kaya ang tanong, may ipinaretoke ba siya bilang paghahanda sa pictorial niya?

“Ako, well my boobs are enchanced dati pa, di ba, nasabi ko, ‘pina-enchance ko ito. Pero the rest wala na, all natural. Nag-diet ako at nag-exercise for the pictorial kasi kailangan, so hayan, okay naman,” nakangiting sabi ng dalaga.

Pressured si Ellen nang alukin siya para maging calendar girl ng Ginebra San Miguel dahil pawang sikat ang mga naunang calendar girls tulad nina Marian Rivera, Angelica Panganiban, Solenn Heusaff, Georgina Wilson at Anne Curtis.

Pero tinanggap kaagad niya ang offer, “Kasi lahat ng naging calendar girl nila, sikat, so sino ba naman ako para tumanggi? Oo agad ako,” nakangiting kuwento ni Ellen.

Malalampasan ba niya si Marian Rivera na pinalitan niya bilang calendar girl?

Honestly, napi-pressure ako kasi Marian Rivera siya, ang layu-layo,” saad ng sexy star.

Samantala, walang reklamo si Ellen sa photo shoot ng nasabing kalendaryo dahil lahat ay maayos at maganda ang concept at higit sa lahat, komportable siya sa mga ipinasuot sa kanya at ang gustung-gusto niyang kuha ay ang naka-two piece siya dahil, “Mahilig ako sa beach kaya ‘yan ang gusto ko. Okay din ang iba,” say ng dalaga.

Nang may magtanong kung bakit si Ellen ang napili ng GSMI, ang sagot kaagad ng vice-president and marketing manager ng kompanya na si Nelson Elises, “Ellen Adarna is arguable the hottest and sexiest young actress in the industry today. She has a very strong and loyal fan base and we are very proud and ganadung-ganado to welcome her on board as our 2015 calendar girl.”

Visible talaga si Ellen dahil sunud-sunod ang projects sa pelikula at sa TV. May upcoming serye siyang Passion de Amor at pelikulang Beauty In A Bottle na palabas na sa Oktubre 29.