Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa taunang kombensiyon ng Saksi ni Jehova sa Oktubre 24, 2014, Biyernes, 8:20 ng umaga, na una sa tatlong araw sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna. Ang tema ngayong taon ay “Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian ng Diyos”.

Mamamahagi ang lahat ng 45 kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova ng personal na imbitasyon sa mga taga-Biñan at sa Imus at Tagaytay sa Cavite upang dumalo sa kombensiyon. Walang bayad ang pagdalo.

Mahigit 6,000 ang dadalo sa naturang kombensiyon. Balak ng mga Saksi ni Jehova na magdaos ng 119 na kombensiyon sa 44 na lungsod sa Pilipinas. May mahigit 7.9 na milyong Saksi ni Jehova sa 113,000 kongregasyon sa buong daigdig.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20