SINA Heart Evangelista, Kuh Ledesma at ang kilalang artist na si Nemesio “Nemi” Miranda ang naging hurado sa ginanap na GMA Network Art Gap Open 2014 ngayong Oktubre.

Ang GMA Art Gap Open ay taunang kompetisyon ng mga empleyado ng Network upang maipakita ang kanilang galing sa sining gamit ang iba’t ibang media tulad ng paintings, sculpture at photography. Ngayong 2014, isinagawa ang group painting competition na nagpapakita ng makulay na kasaysayan ng Kapuso Network at may temang “GMA through the Decades”.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Kabilang din ang ilan sa mga tanyag na Angono artists na nagsilbing mentor ng bawat grupo. Kilala ang Angono, Rizal bilang art capital ng Pilipinas at pinagmulan ng mga prominenteng alagad ng sining tulad nina Carlos “Botong” Francisco, National Artist para sa visual arts at Lucio San Pedro, National Artist para sa musika.

Nagkaroon ng dalawang matagumpay na solo art exhibit ngayong taon si Heart Evangelista na hindi lamang mahusay na aktres kundi ganap na pintor din. Ayon kay Heart, karangalan na napabilang siya sa mga hurado ng kompetisyon.

“It is great that GMA encourages their employees to develop their creativity. These contestants are very gifted people and it is an honor to be asked to judge this competition,” sabi ng Startalk host.

Bilang art enthusiast at pintor, natutuwa rin si Kuh Ledesma na dahil napili siya bilang hurado.

“The skill displayed by the artists in this contest was very impressive. It was also interesting to see their interpretations of GMA’s history,” sabi ni Kuh, na huling napanood sa My Destiny at ngayon naman ay celebrity guest judge sa GMA reality talent search na Bet ng Bayan.

Tinawag na “good start” ng pintor, eskultor, at muralist na si Nemi Miranda ang ipinakitang galing ng mga kalahok. Kilala si Miranda sa kanyang “imaginative figurism” art philosophy o pagpipinta mula lamang sa memorya at hindi gumagamit ng modelo. Ang ilan sa kanyang tanyag na mga gawa ay ang EDSA Shrine mural at ang mural relief sculpture sa parade grounds ng Fort Bonifacio.

Kinilala ang mga nanalo sa Art Gap Open 2014 sa General Assembly ng GMA Network noong Oktubre 16 sa pangunguna ng GMA Network Chairman at CEO na si Atty. Felipe L. Gozon.

Nanalo ng first place ang grupo mula sa post production para sa kanilang larawan ng 70s, pumangalawa ang isang grupo sa program support department para sa kanilang larawan ng 80s, at isa pang grupo mula pa rin sa program support department ang nanalo naman ng third place para sa kanilang paglalarawan ng mga taong 2011-2014 at ang ang People’s Choice Award ay nakamit ng engineering group na nagpinta ng 50s. Bawat grupo ay binigyan ng cash prize at certificate.