MEMPHIS, Tenn. (AP)- Naisakatuparan ng Memphis Grizzlies reserves ang ‘di mga nagawa ng starters upang itaboy ang Cleveland Cavaliers.

Nagposte si Marc Gasol ng 16 puntos at 9 rebounds, umiskor ang kanyang backup na si Kosta Koufos ng 8 sa kanyang 13 puntos sa fourth quarter upang tulungan ang Grizzlies sa panalo kontra sa Cleveland, 96-92, kahapon.

‘’We just played smart defensively,’’ saad ni Koufos, naimintis lamang ang isa sa kanyang anim na field goal attempts. ‘’Our defense leads to our offense.’’

Nag-ambag si Quincy Pondexter ng 15 puntos sa Memphis habang nagtala si Zach Randolph ng 11. Ikinasa nina Mike Conley, Nick Calathes at Jon Leuer ang tig-10 puntos.

National

Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

Naglaro ang Cavaliers na wala sa kanilang hanay si LeBron James. Nagsalansan si Kyrie Irving ng 16 puntos, nagdagdag si Dion Waiters ng 15, inasinta ni Kevin Love ang 12, habang itinarak ni Joe Harris ang 10.

‘’We’re still learning about each other. It’s not a quick process,’’ ayon kay Shawn Marion, isa sa ilang manlalaro na lumagda sa Cleveland makaraan ang pagbabalik ni James.

Kumunekta si Irving sa 7-of-11 habang naglaro lamang ng 24 minuto. Taglay ni Waiters ang 6-of-10 mula sa field, kabilang na ang 3-of-4 mula sa labas ng arko.

‘’We definitely had some good moments,’’ ayon kay Irving. ‘’There are a lot of things we can improve on. We just have to talk more. Communication is going to be important for us.’’