Kris-Aquino-copy (1)

MAY sitsit na hindi raw aabot sa 2014 Metro Manila Film Festival ang pelikulang Feng Shui 2 nina Kris Aquino at Coco Martin dahil marami pang eksena ang hindi pa nakukunan.

Ito ang kumalat na balita kahapon habang ginaganap ang presscon ng Beauty In A Bottlemula sa Skylight at Quantum Films na idinirek naman ni Antoinette Jadaone.

Ilang beses nang napa-pack up ang shooting ng Feng Shui dahil, noong una, nagkasakit si Kris at nitong huli naman ay hindi makapag-shoot si Cherry Pie Picache dahil sa pagkamatay ng ina.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Tinext namin si Kris kahapon tungkol dito at kaagad naman siyang sumagot, “She’ll (Cherry Pie) shoot November 5, God’s will kung aabot.”

May mga itinanong pa kami sa Queen of All Media pero tinext kaagad kami ng, “Shooting ako today,” na ibig sabihin ay ayaw niyang magpaistorbo.

Ngayong araw naman ay si Bimby ang may shoot ng Praybeyt Benjamin.

Samantala, lilipad patungong Japan si Kris  pagkatapos ng The Buzz Live sa Linggo kasama ang KrisTV team para sa out of the counry episode nila kasabay na rin ng kanyang much-needed vacation.