PAGBILAO, Quezon – Isang 71-anyos na lalaki, na akusado sa tatlong bilang ng rape at most wanted sa Quezon, ang naaresto ng pulisya sa Barangay Bigo sa bayang ito.

Kinilala ni Quezon Police Provincial Office Director Senior Supt. Ronaldo Genaro E. Ylagan ang nadakip na si Jose Nazareno Alcantara, biyudo, ng Bgy. Bigo.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Robert Victor Marcon ng Regional Trial Court Branch 54, Lucena City sa paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law), isang 13-anyos na babae ang tatlong beses umanong hinalay ng matanda na nagresulta sa pagbubuntis ng biktima. - Danny J. Estacio

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20