Sa kulungan na nahimasmasan ang ang dalawang lalaki na inaresto ng mga barangay tanod makaraang maghamon ng away dahil sa lakas ng tama ng ipinagbabawal na droga sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Mga kasong public scandal at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 (illegal possession of deadly weapon) ang kinakaharap na kaso nina Roderick Piyon, 30, ng T. Gonzales Street, Barangay San Jose at Michael Dechavez, 31, naninirahan sa No. 186 Bagong, Silang, Barangay San Jose ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga tanod, 5:30 ng hapon nagtakbuhan ang ilang residente sa lugar nang magwala ang mga suspek, armado ng ice pick at kitchen knife, at hinamon ng away ang mga dumaraan.
National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'