PAGKARAAN ng undercover romance sa loob ng anim na buwan, naghiwalay sina Padma Lakshmi at Richard Gere, ayon sa Yahoo.

Nagsimulang magligawan ang host ng Top Chef at ang actor ng Arbitrage noong tagsibol, naging tahimik ang kanilang relasyon, at hindi sila nakunan man lamang ng litrato habang magkasama sa mga pampublikong lugar. Paminsan-minsan ay nakikita sila sa low-key dinner dates.

Nagkakilala sina Padma, 44, at Richard, 65, noong ginagawa ng huli ang Time Out of Mind sa New York City, ng ilang buwan pagkaraan ng masakit na hiwalayan nila ng aktres na si Carey Lowell, asawa niya sa loob ng 11 taon.

Sina Carey, 53, at Richard ay may isang anak na lalaki, ang 14-anyos na si Homer. Pitong taon silang nagsama bago nagpakasal noong 2002.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa sa mga itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Padma at Richard ang kanilang busy schedules. Si Richard ay naghahanda para simulan ang shooting ng Oppenheimer, samantalang katatapos lang kunan ni Padma ang upcoming season ng kanyang hit Bravo show sa Boston, at simula noon ay naging abala sa pagbiyahe. Ayon sa Page Six, nagpasya ang dalawa na “they would be better as friends.”

Bago si Carey, si Richard ay kasal sa supermodel na si Cindy Crawford mula 1991-95. - Yahoo Celebrity