Humirit si Senator Jose “Jinggoy” Estrada sa Sandiganbayan na payagan itong mabisita ang mga namayapang kaanak at kaibigan sa All Saints’ Day.

Sa mosyon ni Estrada na iniharap nito sa hukuman, humihingi ito ng limang oras sa Nobyembre 1 upang mabisita ang kanyang Lola Mary, Lolo Emilio, biyenang si Reynaldo Vitug, mga tiyuhin na sina George at Paulino, kapatid na si Jessica, lahat nakahimlay sa San Juan Cemetery; at ang best friend nitong aktor na si Rudy “Daboy” Fernandez na namatay noong 2008 at nakalibing sa Heritage Cemetery sa Fort Bonifacio.

“Every year on All Saints’ Day, Estrada has visited the places of interment of his relatives and friends to give respect, pay homage, and pray for them,” sabi sa mosyon ng senador.

Hiniling ni Estrada sa anti-graft court ang oras na 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi upang makaalis sa kinukulungang Philippine National Police (PNP) Custodial Center, upang makabisita sa nasabing mga sementeryo.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20