Susukatin ng rag-tag na Philippine Girls Volleyball Team na maitakda ang panibagong pamantayan sa disiplina sa bansa sa paghahangad nitong makatuntong sa semifinals ng 2014 AVC Asian Youth Girls Volleyball Championship sa MCC Hall Convention Center sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Ito ay matapos na itala ng PHI Girls Team ang ikalawang sunod na matinding upset sa liga sa pagpapadapa nito sa nakasagupang nagtataasan na India, 3-1, sa naging matinding bakbakan at mahabang palitan ng paluan na labanan para iuwi ang 19-25, 25-11, 25-20 at 25-22 panalo.

Habang isinusulat ito ay kasagupa ng koponan ang matinding koponan ng China.

Bunga ng panalo kontra sa 6th place noon na India ay nakasiguro ang Pilipinas ng puwesto sa unang walo at agad na naokupahan ang isa sa natatanging dalawang puwesto na uusad sa matira-matibay na quarterfinals ng torneo na sinalihan ng kabuuang 13 bansa.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Ang nagtatanggol na kampeon sa torneo ay ang Japan, ikalawa ang China, ikatlo ang Taipei, ikaapat ang Korea, ikalima ang host Thailand, ikaanim ang India, ikapito ang Kazakhstan at ikawalo ang Hongkong.

“We have achieved our goal of reaching the quarterfinals. Now, the aim is for the semis. No matter what, we have achieved our goals. This is a clear sign that we have the talent and the capabilities to compete internationally. If we are not given that chance, then we will never realize our true potential. Hopefully, we can open some eyes here now,” nasabi lamang ni Philippine Volleyball Federation (PVF) president Geoffrey Karl Chan.

“Kahit bago pa lamang at hindi pa gaanong kabisado ang kani-kanilang laro, they showed heart. At ito ay kanilang sariling sikap lang,” sabi ni Chan sa koponan na nasa ilalim ng pagtuturo ni head coach Jerry Yee.

Matapos ang preliminary round ay magsasama ang apat na koponan sa Group E at F para sa 1st hanggang8th place kung saan maghaharap ang 1A kontra 2C at 1C - 2A s Group E at ang 1B kontra sa 2D at 1D kontra 2B sa Group F.

Sakaling okupahan ng Pilipinas ang ikalawang puwesto sa Group C (2C) ay posibleng makaharap nito alinman sa Thailand, Hongkong at New Zealand na nasa Group A.