blind-copy-copy

NAKATSIKAHAN namin ang female showbiz personality na malapit sa isa pang kilalang female showbiz personality noong isang hapon sa vicinity ng ABS CBN. Ikinuwento niya sa amin na medyo naaalarma na naman siya para sa kaibigan niya. 

Naramdaman ng source namin na super in love na naman ang kilalang female personality. Although, hindi naman daw itinatago ng kilalang showbiz personality ang love affair, ang ikinatatakot ng kausap namin ay baka mauulit na naman ang nangyari sa dating relasyon ng kaibigan niya. 

“Baliw na baliw na naman siya sa boyfriend niya. Wala naman tayong pakialam dahil pera naman niya ‘yun pero baka kasi mauwi lang sa wala ang sobrang pagkaluka-luka niya sa boyfriend niya,” kuwento sa amin. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

In fairness, mabait at magalang naman daw ang karelasyon ng sikat na showbiz personality. Malayung-malayo raw ang binata sa ex ng showbiz personality. At hindi raw “bilmoko” ang batambatang kasintahan ng showbiz personality.

“Pero kilala n’yo naman yan si _______ (sikat na showbiz personality), bigay nang bigay siya. Kahit na hindi hinihingi, eh, binibili niya para sa boyfriend niya. Pati yata ang mga kaibigan ng boyfriend niya, eh, kung anu-anong mga mamahaling kagamitan ang mga ibinibigay niya,” sey pa ng source. 

Inamin ng kausap namin na kahit hindi naman mapagsamantala ang batang boyfriend ay halos nalulunod naman ito sa over na raw na pagpapakita ng pagmamahal ng showbiz personality. 

“Ay sus, natatawa na lang kami sa kanya,” sey pa rin ng source namin.