PANIQUI, Tarlac - Pinatawan ng 60-araw na preventive suspension ang alkalde ng Paniqui, Tarlac matapos maghain ng kasong abuse of authority ang isang konsehal ng bayan laban sa kanya.

Nilagdaan ni Gov. Victor Yap ang suspensiyon kay Paniqui Mayor Miguel C. Rivilla kaugnay ng kasong isinampa ni Evelyn S. David, na pinagtibay naman ng Sangguniang Panlalawigan nina Maria Cristina Angeles, presiding officer pro-tempore; Carlito David; Noel Dela Cruz; Tito Razalan; Enrico De Leon; Saturnino Mandal; Harmes Sembrano; Henry Cruz; Marcelino Aganon Jr.; Jude Joseph David; at Romeo Evangelista Jr., ex-officio member.

Sinabi naman ni Rivilla na pakana lang ito ng mga kalaban niya sa pulitika, kasabay ng paghimok sa mga taga-Paniqui na maging mahinahon.

Ayon kay Rivilla, matapos ang dalawang election protest na parehong ibinasura ng korte ay ipinagtaka niya ang manual recount ngayong taon dahil nawala sa kanya ang 3,684 na boto laban kay Rommel David, hanggang sa sinampahan na siya ni Evelyn ng kasong administratibo.
National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol