Nalalapit na ang araw ng pagtitipon para sa mga chef, cook, entrepreneur at food lover sa KAINdustriya na inorganisa ng Puregold Priceclub Inc. na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City sa Oktubre 14-15, 2014.

Layunin ng KAINdustriya, na nasa ilalim ng Tindahan ni Aling Puring (TNAP) program ng Puregold, na tipunin ang mga nagnenegosyo sa food industry simula sa mga hotel, restaurant, at kapihan hanggang sa mga canteen, catering, food stalls, at mga karinderya. Labing-isang taon nang nagbibigay ng suporta ang TNAP sa mga may-ari ng sari-sari store at mga prepared food seller.

“These food resellers stir the local economy through their businesses. They rely on supplies from within their own localities and even generate jobs in their communities,” sabi ni Vincent Co, Puregold Merchandising Director.

Imbitado ang lahat ng food resellers sa unang KAINdustriya grand convention para makibahagi sa kapana-panabik na activities, gaya ng Ka-Asenso Cook Off Challenge at kakaibang Points-Reward-Program na maaaring bumili ang mga miyembro ng participating items na magbibigay sa kanila ng puntos upang makakuha ng magagandang KAINdustriya items. Maghahandog din ang KAINdustriya ng mga murang sangkap, cooking equipment, at appliances.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Sa dalawang araw na selebrasyon ay magkakaroon din ng libreng seminar para sa mga negosyante, at bibigyan sila ng tips mula sa mga eksperto, partikular na sina RJ Ledesma at Anton Diaz, ng Mercato Centrale.

Bukod sa convention, magdaraos din ang Puregold ng pocket KAINdustriya events, gaya ng mga food seminar, cooking demonstration at contests sa mga branch nito sa Ql Central, Parañaque, Cainta Junction, Valenzuela, Meycauayan (Bulacan) at Dau (Pampanga).