Angelica-Panganiban-copy

NAKATANGGAP kami ng tawag, mula sa isang taga-ABS-CBN na ayaw magpabanggit ng pangalan, na nakiusap kung puwede raw naming ikorek ang nasusulat (hindi sa BALITA) na tsinugi si Angelica Panganiban sa Passion de Amor.

Hindi raw totoo ang isyu dahil may ibang project na paglalagyan ang aktres na kontrobersiyal ngayon.

“Hi, Reggee, paki-clear naman po, hindi tsinugi si Angel sa Passion,” sabi ng caller, “supposedly kasama siya, pero may bagong project po kasi na ibibigay sa kanya na mas bagay. Ayaw na rin kasi niya ng seksi-seksi kasi hindi naman bagay na dahil alam mo naman na medyo malusog siya ngayon.”

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Oo nga, kitang-kita sa Banana Split na laging busog si Angelica dahil na rin siyempre sa pagmamahal ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.

Binanggit namin ang information na nauna naming natanggap na sa Pangako Sa ‘Yo bibigyan ng role si Angelica, pero paiwas ang sagot ng aming kausap.

“Abangan na lang po natin, kasi hindi naman sure pa,” say sa amin.

Nabanggit ang name ni Angelica sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil nga hindi na puwede si Jodi Sta. Maria na mas gusto raw magpahinga muna pagkatapos ng Be Careful With My Heart.

Hindi lang namin knows kung anong papel ni Angelica sa Pangako Sa ‘Yo, kung siya si Donya Claudia (dating ginampanan ni Jean Garcia) o si Amor Powers (Eula Valdez).