SARAH-Geronimo-538x650

Ni REMY UMEREZ

MAY pambato ang bagong lunsad na album ni Sarah na pinamagatang Perfectly Imperfect.

Tatlong awitin sa CD ay likha ng Canadian music producer na si Adam Hurstfield na ang ilan sa international artists na nakatrabaho ay sina Ne-Yo, Backstreet Boys, Super Junior at Def Leppard.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bumilib si Adam sa estilo at kalidad ng boses ni Sarah na world-class daw ang dating.

Ang exclusive songs na inilaan ni Adam kay Sarah ay ang title track, ang Bulletproof at ang rap-pop na Last Night of our Lives featuring North American rap artist Celeb.

Malayo na ang nilakbay ni Sarah bilang recording artist mula sa pagiging champion ng Star For A Night more than ten years ago, hanggang sa kanyang Ikot-Ikot at grabeng indayog ang ipinamalas sa Electric Dance Music track na Kilometro.

Tiyak na mapapasayaw nang nonstop ang diehard fans ni Sarah dito sa huli.

Ang buong buwan ng Oktubre ay inilaan niya sa puspusang pagpopromote ng Perfectly Imperfect via mini shows sa Harbor Point (Oct. 11), Ayala Mall sa Cebu (Oct. 18), Centrio Mall in Cagayan de Oro (Oct. 25), at Marquee Mall sa Pampanga sa Oct. 3l.