Hinikayat ng Archdiocese of Cotabato ang mga mananampalataya na makiisa sa idaraos na ‘March of the Saints’ sa lahat ng parokya ng archdiocese ngayong Undas.

Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo, layunin nitong maalis na ang nakaugaliang mga programang katatakutan tuwing Nobyembre 1, Araw ng mga Santo, at 2, na Araw ng mga Kaluluwa.

Ayon sa obispo, ang ‘March of Saints’ ay bahagi rin ng pagpapalakas ng Ebanghelisasyon sa mga mananampalataya lalo na at nasa panahon pa rin ang Simbahan ng selebrasyon ng “Year of the Laity” na may temang: Called to be Saints and Send Forth As Heroes.

Sabay-sabay na idaraos ang ‘March of Saints’ sa mga parokya sa Archdiocese of Cotabato bago ang pagsapit ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

National

Sen. Imee sa mga 'gigil' i-impeach si VP Sara: 'Demokrasya ang gusto n'yong paglaruan!'

“To do away with Halloween & set better activity for All Saints Day which is values’ oriented. That youth may emulate examples of Christian virtues as witness by Saints in Line with Year of the Laity theme, Saints are church’s heroes – we honor them,” pahayag ni Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.